From Pen to Fingertips

Palayain ang Panitik, Hayaang Pumitik, kasabay ng indayog sa hangin :) (Reviews and other forms of Literature)

“Ang Nilalaman ng I Love You”

Leave a comment

TheILOVEYOUreviewer

TheILOVEYOUreviewer

Originally and supposedly, REVIEWER talaga ang nilalaman ng papel na iyan.

Oo, reviewer ko ‘yan sa Long Test sa Biology nung freshman pa ako sa PNU.

Hindi ko hobby gumawa ng reviewer noon, pero sa PNU kasi,

matututunan mo lahat, — ng pahirap.

Sa unang semestre ng unang taon ko sa Pamantasan

ko siya nakilala.

Nakaupo kami noon ng aking mga kamag-aral sa Grass Landia

at ngarag sa kaka-review. Tiyak na nakakaloka nanaman kasi

ang Identification at Enumeration ng mga medical terms na i-e-exam namin mamaya.

Habang tumataas ang cortisol ko nung mga panahon na ‘yan,

Kasabay ng pagsagi ng maamo niyang ngiti sa aking isip,

ay ang indayog ng aking  pluma na di napigilang

bumuo ng mga letrang “I-L-O-V-E-Y-O-U”

Ito ang unang reviewer na pinahiram ko sa kanya.

Hindi ko naman plinano ang lahat, nagkataon lang talaga na bigla siyang

nanghiram ng reviewer, at dahil mabait ako, pinahiram ko ito.

Huli na nang mapagtanto kong may sinulat nga pala akong

Iloveyou sa likod. Hehe.

Kinabkasan, sa ilalim ng puno malapit sa court, nang isauli niya sa akin ang reviewer ko,

Nakatupi ito sa ganyang ayos at nakabungad ang sinulat ko na iyan.

Hehe. Nakakahiya.

Hanggang sa dumating ang araw na nagpasalamat ako dahil dumating sa akin yung panahon na out of consciousness nabuo ko ang tatlong salitang iyan…

Na out of consciousness naiparating ko sa kanya iyan..

At least bago man lang siya lumisan, nalaman niya bago pa mahuli ang lahat,

Nalaman niya ang damdamin sa likod ng reviewer na iyan. J

Author: froeroguis

Pretty Teacher, All-around Writer, Freelance Photographer :D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s