From Pen to Fingertips

Palayain ang Panitik, Hayaang Pumitik, kasabay ng indayog sa hangin :) (Reviews and other forms of Literature)

“Kung Gusto Mong Maging Taong Ka-inspire-inspire” XD

Leave a comment

Kung gusto mong maging taong ka-inspire-inspire,

Tanggapin mo at paglabanan

ang mga hagupit ng buhay sa iyo

Kung mababa ang grade mo

o nag-Failed ka sa major mo,

Huwag mong pag-interesan ang pulso.

(may second sem pa, pwede pa bumawi)

dahil hindi lang naman sa pagiging Suma-Magna-Cum Laude

Umiikot ang pakikipagsapalaran sa buhay

kundi sa kung paano ka nahubog bilang tao

Hanggang sa pag-akyat mo sa entablado

upang kunin ang sertipiko.

Kung hindi ikaw ang kinoronahan

noong gabi ng Bb. Kagandahan,

Huwag mong isiping

na-deform na ang iyong itsura

Malay mo naman naging honest lang ang mga judges,

na more than what eyes can see

ang iyong beauty.

Kung hindi ka naman nabigyan

ng standing ovation

nung umawit ka sa isang patimpalak,

huwag kang malungkot.

Dahil hindi mo alam kung ilang puso na

Ang lihim na pumalakpak

Sa iyong awiting nagbibigay ngiti

Kung hindi naman naparangalan

ang iyong mga akda

(‘yung tipong deadma sa GEM at Palanca)

Huwag kang tumigil sa pagsulat.

dahil ang boses ng pluma

Hindi man pumasa sa pamantayan ng iba

didinggin pa rin ng tamang tenga.

Hindi umiikot ang buhay

Sa mga medalya at tropeo

Hindi katanyagan at kayamanan

Ang nagpapatatag sa pangalan

Minsan, hindi mo naman kailangang

pilitin na matanggap ng mundo

Pagtatabuyan ka

at paglalaruan ng kapalaran

subalit ang pinakamahalaga

yung malinaw sayo

kung saan ka pupunta

at para sa Kaniya

kaya ka nagpapatuloy sa

Maaaring karera nga ang mundo,

Pero sarili mo lang ang kalaban mo

Maaari kang magpahinga

Subalit huwag kang susuko

Maaari kang magreklamo

Subalit huwag hanggang dulo

Sa huli, ang tagumpay ay nasa maayos na puso.

Sabi nga ni Vladimir Propps,

“These what make a hero”

Kung gusto mong maging taong ka-inspire-inspire

Tumayo ka at magpatuloy

Sa paglilingkod sa iyong Personal Hero J

Author: froeroguis

Pretty Teacher, All-around Writer, Freelance Photographer :D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s