From Pen to Fingertips

Palayain ang Panitik, Hayaang Pumitik, kasabay ng indayog sa hangin :) (Reviews and other forms of Literature)

“Wag kang Istorbo, Palabas na!”

Leave a comment

Alay ko kay Abigail Gamboa, isang mabuting kaibigan

Dito sa CR sa ikalawang palapag ng PNU Library ako nagpalipas ng oras, napaaga kasi ako sa unang araw ng klase. Alas sais pa lang ng umaga kaya wala pa halos estudyante sa pamantasan. Solong-solo ko ang CR, kaya’t nilabas ko na ang aking mga sikretong pampaganda.

Sandali, may naririnig akong yapak, papalakas ng papalakas, mukhang papalapit sa akin…

Biglang may pumasok na babae sa CR, naka-uniform siyang puti tulad ko, at maputla ang blangko niyang mukha. Parang gusto ko siyang pahiramin ng suklay.

Dire-diretso siya sa cubicle at parang hindi niya ako nakita.

Sinundan ko siya ng tingin. Napakaaga rin niya pumasok, excited sa first day, most punctual. Haaay… ang mahalaga may kasama na ko sa dito sa CR, hindi na ako matatakot.

Makalipas ang tatlumpung minuto, maganda na ako, pero teka muna, yung babaeng pumasok kanina, hanggang ngayon hindi pa rin lumalabas sa cubicle. Kanina pa siya dun, anong ginagawa niya? Shocks! Baka naglaslas! Mukha kasing problemado yung itsura nya kanina.

Lakas loob kong nilapitan ang cubicle para tingnan kung naroon pa siya. Dahan-dahan akong yumuko at sinilip ang baba ng pinto. Oh my gosh! Walang paa! Bakit wala? Kitang-kita ko talaga siyang pumasok at di pa lumalabas, nasan na siya? Baka nagbigti! Hinanda ko ang sarili ko sakaling anuman ang makita ko ‘pag tinulak ko ang pinto.

Isa, dalawa, tatlo!

Bigla siyang nagsalita, “Wag kang istorbo, palabas na!”

Saka ko naintindihan kung bakit wala akong nasilip na paa sa ilalim.

 

Author: froeroguis

Pretty Teacher, All-around Writer, Freelance Photographer :D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s