From Pen to Fingertips

Palayain ang Panitik, Hayaang Pumitik, kasabay ng indayog sa hangin :) (Reviews and other forms of Literature)

HOMETOWN: Amanda Times

Leave a comment

(My Very First BLOG.. Dec. 4 2010)

HOMETOWN: Amanda Times

         Malamig na simoy ng hangin… Lagaslas ng mga dahon… Malalaki at maliliit na mga puno… Himig ng mga ibon; at ng mga kuliglig naman sa katahimikan ng gabi… Tilaok ng manok sa umaga… Kahol ng mga aso sa hapon… Takbuhan, kulitan ng mga batang parang ngayon lang nagkita-kita at hindi na ulit pa magkikita… (sila Fibi, Moore, Totoy, Darrel, at Kim kapag naglalaro)Sigaw ng mga announcer sa microphone… Hininga ng mga supporters ng mga basketball players na abot hanggang kabilang siyudad… Buhay na buhay na gabi kapag may liga…
Kapag na-sense mo na ang mga bagay-bagay na ‘yan…
Welcome home !!! Amandaville na po!
                        Sa  bawat hapon at gabing pumapatak sa paglilibot namin nina Tin at MJ sa kalawakan ng Amanda, kasabay nito ang pananariwa ng mga nakaraan sa aming kasalukuyan…
(PAALALA:  Sisimulan na po natin ang paglalakbay sa nakaraan. “sshh” lang po kayo sa mga mababasa nyo. Parental guidance is recommended)
                        Ang puting bahay sa tapat nila PJ….na kung may tao ay lagi naming binabalikan, dinadaanan, iniikutan, na hindi bababa sa sampung ulit.
Napapagod man sila MJ at Tin kakapabalik-balik naming sa bahay na ‘yon, alam kong hindi na sila papalag dahil sa gwapong-gwapong makikita nilang nakatira don! Minsan, nasisilayan naman namin ang nais naming matanaw. Minsan sya’y nananalamin, nanonood ng TV, o kaya’y nakaupo lang, walang ginagawa. Matagal ng panahon na nangyari ito, subalit hanggang sa ngayon ay nagbabakasakaling magkatao ulit sa bahay na ‘yon…. (:
                        Ang bangketa sa gilid ng headquarters… ‘yung may poste.. na tinawag naming “memorable place”.. early 2005… doon namin nakilala si #11.. o mas kilala sa tawag na “tantalizing pretty brown eyes”! wow naman. Makapuri naman kami, parang totoo. Hehe, totoo naman. Break time namin that moment sa praktis sa song interpretation (by Josh Groban) ,tapos umupo kami ni Tin sa sulok na ‘yon at siya’y pinag-usapan.. tapos, lumapit  sya… tapos… *some text missing. Please reload immediately*
                       Ang malaking bahay sa tapat ng bilyaran bago pumasok sa gate ng Amanda…. Ay may kakaibang energy that force me to stay. Stay?! Wahaha. Hindi naman. Napapalingon lang ako lagi dun “noon”, siguro dahil nung mga panahon na ‘yon, iyon ang pinakamagandang bahay sa kasaysayan ng Amanda.. pero ngayon, may ibang bahay ng pumapapel.. hehe.
                        Ang likuan sa phase II… o ang “phase II”. Na kahit kailan yata eh hindi nabura sa mapa ng mga kasama kong traveler!! Ang club house sa ph. II na nag-uumapaw sa green fields, blooming flowers ay ang tanging kumabog sa club house ng ph. I na ngayo’y pinamumugaran na lamang ng mga masasamang ispirito dahil na rin siguro sa dami ng binurol don..
                       Ang sama-samang pamamasyal hanggang Mabalas-balas kapag umuulan… Ang talsikan ng putik… tapos pag huminto na, ‘ang magbanlaw talo!’..
                        Higit sa lahat, ang hindi matatawarang katatagan ng puno ng mangga sa tapat ng bahay nila kuya Jerry na saksi sa kasaysayan! Siguro para mas maikli, tawagin natin iyon na “Tambayan of FAME”. Tutal naman ang mga tumatambay naman don ay sina MJ, Tin, Jethro, Beto, at marami pang iba. Shempre kasali din ako ‘pag nandun ako! (;
                       Ang mga gabing sinusuyod namin ang Amanda (kadalasan 8-10pm) Ang bawat sandali na hininga lang namin ang maririnig sa lansangan, na kahit hingal ay patuloy pa rin sa walang katapusang kwentuhan… Bawat pagtakbo kapag nagkakatakutan o kapag may aso ng umeksena… Bawat tindahan na hindi pinapalampas makapagpa-load lang… at bawat pag-upo sa “Tambayan of FAME”…. Ay mga bagay na bumuo sa alamat ng mga bilang kong oras sa kaharian ng Amanda…
  
                      Nakakalungkot man ang katotohanang ang bawat loob ng kabahayan sa Amanda ay pinagkaitan ng signal (TM,Globe, kabilang na sa mga biktima ay ako at si Tin) ay hindi pa rin ito hadlang para makapag-GM ng bonggang-bongga. Kahit magkakatabi lang kami, naglalakad, GM pa din!
                   Marami ng nangyari sa Amanda.. Nandyan yung pagsalakay ng mga ‘Ravena’… Kung sino-sino ng tao ang nakilala ko.. Nakilala namin..at pinilit naming makilala! Hehe. ‘yung bespren ng hari.. ‘yung ‘Guy in Black’ or ‘#7’.. na nakatala na sa talambuhay ni Tin.. sina Chief.. si Spider text.. attorney.. at iba pang  kabilang sa pamilya ng palasyo… Kung saan-saang sulok na ang nasuotan ko.. ‘yung shortcut kina aling Marissa.. iba’t-ibang trahedya na dumating .. panghihimasok ng perya.. at kung ano-ano na rin ang mga chizmiz na nabalitaan ko!! wahaha.
    Mag-aalas-kwatro na ng umaga.. nagsusulat pa rin ako.. paggising na sila, ako patulog palang…may kumalabog sa bubong.. may ungol ng pusa.. matutulog na ko.. nakakatakot na.. pero shempre, kailangan kong tapusin ang blog na ‘toh…
                 Malamig na simoy ng hangin… Lagaslas ng mga dahon… Malalaki at maliliit na mga puno… Himig ng mga ibon; at ng mga kuliglig naman sa katahimikan ng gabi… Tilaok ng manok sa umaga… Kahol ng mga aso sa hapon…
Kapag hindi mo na na-sense ang mga bagay na ‘toh.. Nilisan mo na ang Amanda…

Author: froeroguis

Pretty Teacher, All-around Writer, Freelance Photographer :D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s