From Pen to Fingertips

Palayain ang Panitik, Hayaang Pumitik, kasabay ng indayog sa hangin :) (Reviews and other forms of Literature)

“Ang Leviathan”

Leave a comment

“Ang taong sumusunod sa batas dahil sa takot ay parang taong nakakadena. Walang tunay na kalayaan.” – Thomas Hobbes

Nagkaroon ng civil law upang magkaroon ng balance of nature. Ang “The Leviathan” ni Thomas Hobbes para sa akin ay 49% makatarungan habang 51% hindi. Naniniwala naman ako sa motto ng Commonwealth na magkakaroon talaga ng kapayapaan kapag ang bawat isa ay marunong sumunod sa tinakdang batas. . Kung bawat isa ay paiiralin ang karapatan nila at kalayaan, magkakaroon nga ng kaguluhan sapagkat everyone is willing to fight for their survival. Kaya nga bet ko rin yung minsan talaga kailangan natin isuko ang ilan nating karapatan upang magkaroon ng kaayusan, simbolismo ito ng pagbaba ng pride at pagbibiga, na kung kayang gawin ng lahat, makkamit talaga natin ang kapayapaan. Sumasang-ayon din ako sa isa pang Prinsipyo ng Commonwealth by Institution na ang Sovereign ay napagkasunduang italaga ng taumbayan, kaya naman ang bawat mamamayan ay hindi naman saw ala ng karapatan magreklamo sa kung anong batas ang nais ipatupad ng pinuno, bagkus ay marapat na matutong gumalang ang mga nasasakupan sa kanilang itinalaga. Protest against the sovereign is unjust. Yes, it’s true, because in the first place, pinagbotohan ang pinuno na ‘yan, nanalo. Ibig sabihin majority ang naniniwala sa kakayahan ng binotong sovereign at majority rin ang nagtitiwala sa kanya. Sana iwas-iwasan ng mga tao yung laging paghahanap ng mali sa pinuno. Minsan naman sana suportahan at tulungan ng nasasakupan ang kanilang lider para sa pagsulong ng pambansang industriyalisasyon. Pero shempre, alam naman nating ang sovereign ay tao lang, nagkakamali at naaakit sa posisyon, kaya ayos lang sa akin ang mga aktibistang “nakikipaglaban daw para sa bayan” , dahil kung wala sila, walang thrill. Alalahanin nating ang buhay ay dapat parang nobela para patok, may bida at kontrabida. Samakatuwid, Democracy type of Commonwealth ang gusto ko, tulad ng nakaraang pamahalaan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon, na tinawag na “Mala-sariling Pamahalaan.” Sa panahong iyon, umunlad ang wika at kulturang Filipino, nabuhay ang damdaming nationalismo at nakamit ng Pilipinas ang tunay na pag-asenso.

‘Yan ang 49% makatarungan na pilosopiya ni Hobbes, at simulan na natin ang pagsisiyasat sa 51% kung paano napagsasamantalahan ng batas nito an mamamayan.

Sa unang karapatan ng sovereign na hindi siya pwede umalis sa pwesto nang walan pahintulot ng kanyang sarili, mali ito. Malamang sino ba naming gusting umalis sa pwesto? Karapatan ng mga mamamayan na paalisin ang nasa pwesto kapag napatunayang nagmalabis ito sapagkat ang batas ay para sa taumbayan. Hindi rin ako naniniwala na the best ang Monarchy type ng Commonwealth. Oo, totoong more consistent ang decision ng sovereign dito dahil wala siyang tinitimbang na iba’t ibang panig ng opinyon mula sa mamamayan, subalit paano kung ang decision niya ay mali na talaga? So hahayaan nalang natin na tuloy-tuloy, ganun ba? Isa pa,   hindi naman totoong porket everyone is forced to obey the law of the one and only sovereign, eh wala na talagang kaguluhan. Ang tao, pag inaapakan, lalong nakikipaglaban umabot man sa patayan. Yng tungkol naman sa comparison ni Hobbes sa Divine Law versus the Civil Law, ang tama lang doon ay yung “ang pagsunod sa batas ay pagsunod sa Diyos.” Kung sasaliksikin natin ang Bibliya, inutos talaga ng Diyos na masama ang lumaban sa gobyerno, at katumbas ng gawaing ito ay tila pagsamba sa diyus-diyosan. Sabi sa 1 Peter 2:17 “Honor all men, love thy brotherhood. Honor the King.” Subalit ang iba pang mga paniniwala ni Hobbes na tinalakay niya sa Book IV ng The Leviathan, ay hindi ko na sinang-ayunan. Mahaba kung iisa-isahin ko ng pagpapaliwanag basta para sa akin, mali siya ng katwiran.

Ito ang pinaka-mapagmalabis na pilosopiya: Upang maiwasan daw ang pagbagsak ng Commonwealth, the sovereign needs to keep the subject to be informed of the subject’s obligation to the sovereign and rights of the sovereign. Para sa akin, sovereign-service ang bagay na ‘yan, o yung puro sovereign lang ang pinagsisilbihan at pinapaboran ng batas na iyan. Una sa lahat, ang batas ay para sa tao at dahil sa taumbayan kaya nakamit ng pinuno ang pwesto. Samakatuwid, utang na loob ng pinuno ang pwesto niya o anumang kaginhawahang nararanasan niya ngayon. Kaya napaka-imbalance naman at napaka-mapagmalabis kung maghahari-harian ang pinuno. Basata, it’s hard to explain, ayoko talaga ng puro pabor lang sa sovereign ang batas dahil walang sinuman ang nabuhay para maging alipin.

Author: froeroguis

Pretty Teacher, All-around Writer, Freelance Photographer :D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s