From Pen to Fingertips

Palayain ang Panitik, Hayaang Pumitik, kasabay ng indayog sa hangin :) (Reviews and other forms of Literature)

“Ang Teoryang Pangea, Agham, Lihim na Adhika, mga Rebelasyon at Ang Katapusan ng Mundo”

Leave a comment

Noong unang panahon, isa lang ang kontinente ng mundo at ang tawag dito ay Pangea. Kaya naman nakapaglalakbay ang mga tao sa malayong lugar dahil wala pang hindrance noon na malalaking dagat. Kung papansinin natin, yung mga sinaunang tao sa Pilipinas ay kamukha ng mga taga-Africa, samantalang ang layo-layo ng Africa sa Pilipinas. Marahil isa ito sa mga patunay na iisa nga lang talaga ang kontinente noon kaya narating ng mga taga-Africa ang Southeast gamit ang paa sa paglalakbay sapagkat wala pa namang ibang uri ng transportasyon noon. Nagkaroon daw ng malakas na paggalaw ng tectonic plates kaya nahati-hati ang Pangea sa pito, at nagkaroon na nga ng pitong kontinente: Asya, North and South America, Africa, Australia at yung dalawa pa.

Tulad ng common na konsepto ng mga teorya na kung paano nagsimula ang mundo ay ganun din daw magtatapos, ganito rin ang paniwala sa Pangea. Kung sa simula’y isang buo ito, ang ending nito ay darating daw yung panahon na mabubuo ulit ito at magiging isa. Sabi ng mga theorist, maaaring magkaroon ulit ng malakas na paggalaw ng tectonic plates at magkalapit-lapit ulit ang mga kontinente. Well, pwedeng totoo ito, kasi sabagay, sa modernong panahon hindi na bago ang mga lindol, feel at home na nga ang mga sakuna. Pero may iba pa akong angulong nakita at pinapaniwalaan.

 

Naniniwala akong darating ang panahon na magiging isa nga ulit ang mundo but not geographically, but instead, into a socio-political angle. May mga nabasa kasi ako sa Revelations na isa sa mga senyales ng end of the world ay yung tungkol sa tatlong beasts na sila yung magiging pinakamakapangyarihan sa lahat ng bansa and there will be a war. Tapos eto naman yung napanood ko sa Youtube: shempre after the war may pagtatagumpay sapagkat makakamit na nila ang minimithi, and then the end is peace. Mayroon daw isang tao na dadakilain dahil sa kapayapaang naidulot nito sa buong sambayanan. Shempre ‘pag may kapayapaan, may pagkakaisa, at sa oras na mangyari na ito, itong ito na talaga ang katapusan ng mundo. Of course hindi literal na beasts, figurative language ang ginamit doon. May mga napanood at nabasa pa ako pero hindi sa Revelations, sa internet naman, na pinaghihinalaan nila na ang tatlong beasts na ito ay yung America, Russia at Japan. Tapos sabi pa, magkakaroon ng “One Nation” concept, o yung parang magkakaroon ng iisang pamahalaan ang buong mundo, at ang tatlong bansa daw na ito ang maghahari-harian.

 

Malakas ang America, (halata naman na malakas nga ang impluwensiya ng kanilang bansa, kasi maraming may colonial mentality, at bukod pa dun, we have no choice, takot ang mga nagiging pinuno ng P’nas na kumalas sa tradisyunal na kadena ng imperyalismo) Pangunahing kabuhayan ng Amerika ang metal kaya sila ang supplier ng mga kagamitang pandigma. (Kaya nga gusto nila ng gyera para kumita). Gayundin kalakas ang Japan. Remember sila ang programmer ng modernisasyon, at dahil nabubuhay na tayo sa panahon ng teknolohiya, ito ang alas nila sa mundo, dito nila tayo pwedeng sakalin.  Sabi naman ng iba mas malakas ang Russia kaysa America. Bukod sa mas malaki ang lupain ng Russia at mas maraming tao, Russians are also very well-trained in army. (Nabuhay yata sila para talaga makidigma. Sa ngayon, shempre tahimik muna sila, di pa naman nila moment eh. Ika nga, ang tahimik na bulkan, bumubulusok kung magpakawala.) Sa tantsa ko, darating marahil ang panahon na magkakaisa ang tatlong ito, hindi ko alam kung sa paanong paraan, kung magsasakupan ba sila tapos may isang tatanghaling winner; o magsasabwatan ba sila para hawakan ang buong mundo sa leeg (nang buong panlilinlang). Lahat ng bansa ay susunod sa kanilang plataporma.

 

Naniniwala akong we are getting closer and closer to the “One Nation” concept dahil ang pinaka-obvious na senyales nito ay ang mga nangyayari sa kasalukuyan. laganap na ang Imperyalismo, unti-unti na ang pananakop ng mga malalaki at imperyalistang bansa partikular na ang America. (Sa panggigipit pa nga lang ng America sa atin ngayon bilang kondisyon ng ating utang sa world bank, ay nagawa ng maging sunud-sunuran ng ating pinuno at ng bansa sa America.) Simula pa lang yan, lalaganap pa ng lalaganap ang modernong kanser ng lipunan.

 

Sabi pa ni Karl Marx, bago mangyari ang mga iyon, magkakaroon muna ng malawakang giyera. Iyan pa ang pahayag na mas lalong nagpatibay sa paniniwala ko sa teoryang ito. Oo, naniniwala talaga akong magkakagyera. Pansinin natin, sa budget ng Pilipinas pinakamalaki ang sa Militar, binawas pa sa edukasyon yung pandagdag doon. (Anyway, wala naman akong reklamo doon). Tanggap na tanggap ko naman na we really need to fight for peace, (ang Pilipinas ay sa Pilipinas, ayaw natin mawalan ng mga gintong isla kaya dapat lang na makipaglaban tayo para sa mga teritoryo natin). Besides, it is written nga sa Revelations na talagang magkakaroon ng gyera; nations versus nations, at naghahanda na para sa malawakang gyerang ito ang Pilipinas (contestant tayo?). Sabi pa ng aming propesor na dating miyembro ng AFP, “Yes, it’s true”, totoo daw na nag-iinvest tayo para sa digmaang inaabangan (at inaasahan na parang London Olympics. The Warriors must be excited.)

 

Alam niyo ba ang sikreto ng mundo? Marami pa lang mga taong may lihim na adhika. Goal nila sa buhay ang makamit ang Komunismong pamahalaan. Dahil naniniwala sila na ito daw ang pamahalaang may tunay na pagkakapantay-pantay kaya may kapayapaan. (“Sila” lang talaga, promise, hindi ako boto sa communism). Sa palagay ko, darating tayo sa point na mararating nga nila ang pangarap na komunismo. Tapos eto pa ang pinaka-alarming: There are theories na nagsasabing “sa panahong nakamit na ng lahat ng bansa ang Komunismo, sunod na nito ay ang katapusan ng mundo.”

Sndali, hinala ko lang ito ah; hindi kaya yung uri ng pamahalaang iiral sa “One Nation” ay Communism? People might believe na nasa komunismo nga ang pagkakapantay-pantay, dahil papatunayan sa kanila iyon ng leader nila. (Pero shempre, naniniwala akong by that time, people might be losing hope dahil nga sa gyera, mafu-frustrate sila, at no choice na sila kaya  maniniwala sila sa maliit na kapayapaang idudulot ng one man na ito, and because they believed, they will follow, not knowing that they were already deceived.)

Nagkonek-konek ang mga hinala ko batay sa aking mga nabasa, napanood, narinig sa iba’t ibang himpilan at klase ng tao, pero ang hindi ko lang alam kung naiparating ko ba ng maayos at hindi confusing sa mambabasa yung punto ko. Gayunpaman, ang katotohahan ay, maging ako, bahagyang nalito sa pinagsasabi ko. Ganito nag-transform ang Pangea sa imahinasyon ko, na mula sa geografikal, napunta sa socio-political.

 

 

This is my invented socio-political style of Pangea’s End.

 

 H’wag kontrahin bigla, at h’wag din naman agad maniwala. I might be wrong. My internet references might be unreliable and my interpretations might be too judgmental. Yung mga proseso, pagkakasunod-sunod nito, yung mga pinangalanan ko nang direkta, hinala ko lang ‘yun, based on observations lang ‘yun. Maaaring mangyari ang mga ito sa ‘ibang paraan’ kaya h’wag masyado umasa ng eksaktong pinagsasabi ko. Wala sa akin ang huling halakhak.

 

Everyone may take these as a joke, pero huwag lang ang apat bagay na binahagi ko dito ang sigurado: Una yung Pangea, ikalawa yung tatlong beasts, ikatlo yung malawakang giyera at higit sa lahat ang katapusan ng mundo. Handa ka na ba?

Author: froeroguis

Pretty Teacher, All-around Writer, Freelance Photographer :D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s