From Pen to Fingertips

Palayain ang Panitik, Hayaang Pumitik, kasabay ng indayog sa hangin :) (Reviews and other forms of Literature)

“Dahas”

2 Comments

Reaction paper sa “The Prince”

Niccolo Machiavelli

 

            Dekada ’70, naghari sa Pilipinas ang isang Prinsipe.

            Maging gahaman kaysa mapagbigay. Halata nga sa pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas nang bumaba ang prinsipe sa pwesto.

            Maging malupit kaysa maawain. Dahil kung hindi, ang prinsipe ang paglalamayan. Tandaan, mas maraming matalino sa paligid at handing pataubin ang ganitong uri ng kaharian. Kaya nga, unang bumulagta si Ninoy Aquino dahil kung hindi, ang prinsipe ang bubulagta sa kanyang trono.

            Maging masamang tao upang katakutan, upang ang mamamaya’y huwag lumaban. Mayroong nanahimik nalang upang hindi nila ito ikamatay. Maraming naglathala nalang ng mabubuting balita ukol sa gobyerno kahit wala namang mabuting nangyayari, kaysa naman sila’y ipadukot. Maraming tikom, takot at naglabas nalang ng BOMBA magazines kaysa batikusin ang pamahalaan. Matalino ang prinsipe, hinayaan niyang maging libangan sa kanyang panahon ang mga BOMBA Films upang ma-satisfy ng tao ang isa niyang karapatan, at upang malimutan ng tao ang problemang politikal.

            Hindi dapat pabago-bago at dapat firm ang desisyon. Walang kinikilingan ang prinsipe. Sinuman ang lumabag sa batas niya ay siguradong patay. Maraming mamamahayag, manunulat, musikero, mag-aaral at iba pang klase ng tao ang pinadukot, pinakulong, pinapatay at pinatapon sa gilid-gilid dahil naringgan ng makabayang pahayag o awitin.

            Dapat ma-satisfy ang middle class, at mayayaman. Dahil siya ang mapapakinabangan niya. May ilang pahayagan ang nagpatuloy sa paglalathala dahil ang mga balita’y pabor sa kanya. May ilang kompanyang hindi niya pinasara dahil mga kamag-anak niya ang may-ari. May ilang malalaking negosyo hindi niya pinatos dahil bukod sa alam niyang mas malaki ito sa kanya ay nakipagnegosasyon din sa kanya ang negosyante at pareho silang may nahuhuthot sa isa’t-isa. Sa makatwid, ang batas sa ilalim ng prinsipe ay makatarungan lamang sa mayayaman at bulag at bingi naman ang hustisya para sa mga mahihirap.

            Reputasyon ang importante. Kahit masama ang prinsipe sa kanyang kaibuturan, dapat na makita ng mga tao na may makabuluhan siyang nagagawa sa harap nila. Nagsimulang bumiyahe ang LRT, MRT, nagkaroo ng NLEX, naiwasan ang trapik dahil may tamang oras na ang paglarga ng mga truck, naisapubliko ang Meralco, nabuksan ang mga museo, dumami ang naisaayos na imprastraktura at kumonti ang krimen (dahil siya nalang ang natirang criminal.) Naisagawa ang lahat ng kaayusang ito dahil walang kumontra sa matalinong ideya ng prinsipe. Pero sa likod ng kamera, mas marami ang nakamkam niyang yaman, mas marami siyang ninakaw sa kalaban. Mas matalino.

            May dalawang paraan daw para maging Prinsipe ang isang pinuno. Una ay abilidad, (abilidad manloko) at ikalawa ay swerte. Sa dalawang bagay na ‘yan, quota ang Prinsipe ng P’nas noong Dekada ’70. Subalit ang abilidad ay nanghihina, at ang swerte ay nag-e-expire. Tila ang Pilipinas nga ay isang Republika, na mayroong mamamayang may virtue kahit papano. Matibay ang kapangyarihan ng buong sambayanan kaya nagtagumpay sa halos dalawang dekada ng pakikipaglaban para sa bansa.

            Subalit tuladng halamang nalalanta at bulaklak na kumukupas, tulad ng kandilang nauupos, tulad ng mundo, ang pagiging prinsipe ay natatapos. Ang ethics ay walang hanggan kaya mas pipiliin ko ito kaysa sa “The Prince”.

 

Ferdinand Marcos, Prince of 1970. Maintained faith through deception and force.

Justified the enemy.

Justified himself.

Author: froeroguis

Pretty Teacher, All-around Writer, Freelance Photographer :D

2 thoughts on ““Dahas”

  1. Reeport ko ito boss

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s