From Pen to Fingertips

Palayain ang Panitik, Hayaang Pumitik, kasabay ng indayog sa hangin :) (Reviews and other forms of Literature)

“Ups and Downs of Life”

Leave a comment

OUTDOOR ACTIVITY

 

“Hindi ko akalaing magagawa ko lahat ng Outdoor activity.”
Pagtawid sa lubid, sa gulong na nakasabit, wall climbing, rappelling, zip line, obstacle, at kung anu-ano pang buwis-buhay ang first time kong ginawa sa araw na ito. Puhunan – lakas ng loob at tiwala sa Diyos at sa belayer o yung tagaalalay sa lubid/safety.
Natutunan kong mahalaga pala kung paano tignan ng tao ang bagay o mga pagsubok sa buhay. Unang tingin ko sa pagtawid sa lubid, sabi ko, “ay madali lang ‘yan,”. Nung ako na ang tumatawid, napagtanto kong madali lang nga makalampas pero hindi ang pagtawid. Hindi ito kasindali nang para kang naglalakad sa kapatagan. Syempre nariyan yung manginginig ang kamay ko dahil ang hirap abutin ng next na lubid, lalu pa’t hindi naman mahaba ang braso ko. Nakaka-out of balance din sa paa dahil hindi plane ang lubid, so kailangan matuto magbalanse. Naroon yung thought ko na ayaw kong mahulog kasi putikan yung babagsakan, may pupu ng kalabaw at mabaho, besides, nakita ko ang mga nauna sa akin na nalampasan naman nila, so kaya ko rin ito. Isa ring magandang motivation ang aming magaling na coach, si Dancel. Hindi siya nagkukulang sa paalala, at sa tuwing maaabot ko ang sunod na lubid ay sumusigaw siya ng “nice one Froe! Tama yan Froe! Tuloy lang!”. Kailangan ng maraming Coach Dancel sa mundo, isang kaibigan o kapamilyang magpapaalala sa’yo na siya’y nakaalalay, sumusuporta at nagsasabing ituloy mo lang ang buhay.
Sumunod na nakita ko ang pagtawid sa gulong. Ganun din, putik din ang babagsakan kaya ayoko bumagsak. Nag-enjoy ako sa pagtawid dito at sinabi ko ulit sa sarili ko na madali lang ‘yan. Nariyan pa rin si Coach. Ang naging teknik ko dito, ‘bilisan’. Kasi pag mabilis, mas madaling ibalanse yung mga aapakang gulong. Parang sa buhay, dapat mabilis kumilos, para hindi natatambakan ng mga requirements. Dapat maaga gunigising, para hindi napag-iiwanan o nauubusan. Higit sa lahat, mahalagang masaya ka habang tumatawid sa buhay.
Wall climbing. Excited ako dahil mukhang madali lang, plano ko pa ngang bilisan para hindi ako singitan ng nerbyos. Pero nung ako na ang nakasalang, my gast, pagdating ko sa gitna, wala naman akong acrophobia pero bigla akong nagkaroon ng takot sa heights! Hindi ko na maabot yung sunod na bato, walang pwersa yung kamay ko kaya di ko rin maiangat yung mga paa ko. Naalala ko yung payo ni Maricon, sa paa daw dapat kumuha ng pwersa, so ginawa ko. Matagal-tagal rin akong na-stock up sa gitna, parang gusto ko munang magpahinga, gusto kong sumandal, kaso dun ako mas lalong natakot, nang mapagtanto kong nasa pader nga pala ako, walang sandalan kaya nalula ako. I prayed, then I kept saying to myself, “kaya mo yan, kaya mo yan, h’wag kang susuko,” then I had courage to move forward until I reached the top, napatunog ko ang dambana. Bumaba ako na tila ba tinakasan ako ng aking emosyon at naiwan sa pader ang lahat ng aking takot na nadarama.isa pa, hangar in pala ako sa mga akyat-bahay gang, in all fairness bihasa sila sa pag-akyat sa pader, walang takot, ibang espiritu taglaynila d’yan!
Sa wall climbing, dito ko maihahalintulad ang buhay. Sa gitna, naroon na ako ngayon. Na-realized kong sa gitna ang pinakamahirap talagang parte ng pag-angat, pag malapit mo nang maabot ang taas. I thought of quitting, pero kailangan kong maniwala na konting tatag pa ng loob, magtatagumpay din ako. Na-realized ko rin na huwag tignan ang baba dahil makikita mo kung gaano kahirap humakbang, at d’yan na papasok ang takot, pangamba at pag-aalinlangan, kung magpapatuloy ka ba o susuko ka. Mahalaga ring makinig at pagkatiwalaan ang mga sinasabi ng mga tao sa paligid mo, dahil naranasan na nila iyon, at nakikita nila ang buong larawan. Kung pinili kong magpatuloy sa pag-akyat sa pader, pipiliin ko rin magpatuloy sa buhay, nang nagtitiwala sa Diyos bitbit ang lakas ng loob, dahil nasa gitna na ako at naghihintay na sa akin ang tagumpay.
Sa rappelling naman hindi ko masyadong na-enjoy kasi hindi ko alam yung tamang teknik. Nakasayad sa pader na kahoy yung paa ko, eh dapat pala tinutulak ‘yun para mabilis ang pagbaba. Na-realized ko sa rappelling na, mahalaga ‘yung alam mo ang tamang paraan habang nilalakbay ang buhay para ma-enjoy mo ito. Nang makapag-zip line na ako, natanggal lahat ng takot ko, napakasaya, parang live life to the fullest! Sa obstacle naman, sa gitna din ako nahirapan, pero thank God naka-survive naman.
Sa kabuuan, nalaman kong napakahalaga talaga ng team work. Hindi kaya ng tao mabuhay ng mag-isa, kailangan ng mag-aalalay, magpapaalala at magpapalakas ng loob. Kailangan lagi kang magkaroon ng affirmation sa sarili mo, na kaya mo ito, at walang puwang ang salitang ‘pagsuko’ sa buhay. Life must go on.
Nanalo ang aming grupo sa pushups, at nakakuha ng 4th place. Dahil na rin ito sa pagkakaisa at determinasyon na hindi lang basta makatapos, kundi maging masaya habang inaabot ang finish line.
Pag-uwi ko, sumakay ako ng bus na byaheng UE Letre, ito yung mga bus na tipong kasasampa pa lang ng paa mo eh haharurot na agad. Kaya naman, agad kong nagamit sa realidad ang mga kasanayang ito sa outdoor.
Bitin man ako sa isang araw na pagbabali ng buto, bitbit ko naman ang pananaw na kaya kong lampas an anuman ang pagsubok sa buhay. Sa bawat hakbang natin araw-araw, hindi lang lubid ang tinatawid natin, kundi buhay.

Author: froeroguis

Pretty Teacher, All-around Writer, Freelance Photographer :D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s