From Pen to Fingertips

Palayain ang Panitik, Hayaang Pumitik, kasabay ng indayog sa hangin :) (Reviews and other forms of Literature)

Binhi.

Leave a comment

“Magsusulat kayo ng summary, pagkakasyahin sa 12 pages, ipa-publish natin..” – Sir Ross, Armvet Publishing House, 27 March, 2013

 

Parang napuno ng Christmas lights ang paligid, biglang sumabog ang makukulay na fireworks sa kalangitan.
Grade 2 ako, nagpunta kami sa Divisoria Mall. Sa gilid ng mall, tambak ang tigsa-sampung pisong story books, coloring books, bugtong, salawikain etc. P8 lang pala ang mga iyon pag whole sale. Pangarap ko noon magkaroon ng maraming-maraming ganun. Hinaplos ko ang munting mga aklat at sinabi ko sa sarili ko, “Gusto kong magsulat sa ganito. Magsusulat ako ng ganito.”
Gusto ko noon, i-publish ang sulat ko sa publishing house na mura lang ang tinda, mabibili sa Divisoria, para afford ng mas maraming paslit na gaya ko, nang sa gayon mas maraming makakabasa. Di ko pa naisip ang National Bookstore noon, ewan ko, basta wala sa psyche ko iyon. Kasi, bata pa lang ko, makabayan na ako. Nagsusulat ako para abutin ang mga kababayang mahihirap dahil naniniwala ako na ang edukasyon ay hindi dapat mahal. Na dapat ang school materials ang lumalapit sa kanila at hindi dapat hanggang tanaw lang ang pangarap na makapag-aaral. Hindi rin ako utak-kapitalista na nagsusulat para pagkakitaan ang sining.
Joke lang. ^___^
Makapagtrabaho sa publishing house – ito ang pangarap ko noon bukod sa usisain kung ano kaya ang totoong kwento ng buhay sa likod ng mga pangalan sa “written by”, “retold by” at “illustrated by”.
Nagbago ang panahon. Maraming taon ang lumipas, maraming bagyong dumating hindi lang sa atmospera ng Pilipinas. Dinaanan din ng mga bagyong ito ang pagkatao ko, tinangay ang ilang pangarap. Tumaliwas ang ihip ng hangin, may mga nakalimutang purpose sa buhay. May mga gumuhong gusali at nahintong pag-unlad.
Tinigil ko ang pagsusulat ng nobela nang nasa 4th year high school ako dahil pinili kong mag-focus sa Acads. (Yeah, srsly! XD) gusto ko mag-Human resource, maging social worker, psychiatrist, guidance counselor, mag-fine arts, mag-architechture, mag-culinary, maging nutritionist, o kaya…. Mag-teacher nalang.
Nang pumasa ako sa PNUAT, nai-programa ko na ang aking pananaw na ako’y magiging manghuhula balang araw, este, sikolohista pala. Nakita ko ang sarili ko limang taon mula ngayon, ako’y naka-puting kasuotan, nasa ibang bansa, sumusweldo ng malaki, at kumakausap ng mga taong sobrang problemado, feeling problemado o kaya kahit anong psychological disorder.
Hinangin ang antenna. Lumabo ang signal ng panonood ko sa aking future. Laging resulta ng personality exams ko, #2 lang ang ‘social’, at #1 ang ‘artistic’ (daw).
I PASSED the major ship exam in Psychology.
I FAILED the Interview.
Okay, answered prayer.
Bigla ko kasing nakilala ang Bachelor of Arts/Bachelor of Secondary Education major in Literature – Filipino srteam. It’s neither a dream nor a simple profession. It’s passion. Life.
Naging mahirap ang unang dalawang sem ko sa mundo ng literature. Gusto ko nang bitawan ang pangako ko sa sarili ko noong interview: ‘Pinili ko po ang Literature kasi dito ko natagpuan ang buhay. Tiyak na magiging masaya ako sa pag-aaral ng Panitikan. Everything will be fine. Kakayanin ko anuman pagsubok sa major na ito, hindi ako susuko, dahil para sa akin, ito ay passion, buhay.’
Sa mga gabing hindi pwedeng matulog dahil dapat nang matapos ang pagbabasa ng makapal na novel book, sa mga paulit-ulit na pakikipaghabulan sa oras maipasa lang kinabukasan ang critical papersss, reaction papersss, term papersss, news papersss, sa mga panahong namimilipit na ang utak ko dahil wala nang mailabas na salita, sa mga literary piece na mababa ang grade o kaya’y rejected sa editor—gusto kong pagsisihan yung mga salitang ‘masaya’, ‘passion’, ‘purpose’, ‘fine’, ‘buhay’…
Pakiramdam ko isang wilderness ang mundong inakala kong promised land. Isang disyerto ang pangarap na maging manunulat. Hindi ako artistic, hindi ako creative, hindi ako inventive, hindi malawak at bago ang aking isipan. Mali ang resulta ng personality exams. Hindi ako magaling. Isa lang akong ‘against the flow’ na kahit anong ikot ng daigdig, still, strict rules don’t motivate me.
Buong buhay ko sa AB/BSE Literature, hinintay ko magbakasyon, sa paniniwalang ang katapusan ang tunay na kalayaan. Ngayo’y bakasyon na, mga 59-69% pa lamang ang kalayaang nararamdaman ko. May apat na sem pa akong ilalagi kasama ng mga letra. Tila pansamantala lang ang kalayaang meron ako ngayon. Piyansa lang, kumbaga.
Napakalaki ng pinagbago ng panahon, kalinsabay ang mga dating malinaw na pananaw, na ngayo’y unti-unting natutunaw. Subalit, Isa lang talaga ang hindi nagbabago, ang Diyos at ang kaniyang pangako.
“Gusto niyo mag-trabaho sa publishing house?”
“Oo.”
“Okay. Ma’am, okay na po sila.”
“Ha? Teka, anong trabaho?”
Ito na ang offer, may trabaho na kami sa isang publishing house. Pagsulat. Magiging re-teller kami ng mga story books, coloring books, at iba pa na ibebenta sa mga pabrika mostly in province at Divisoria. Hindi sa National Bookstore, hindi kapitalsita. Abot-kayang edukasyon para sa masa. BOOM!
Hindi ito tungkol sa bayad o sa paglalagay ng pangalan sa cover ng libro (which is glory ng mga manunulat). Tungkol ito sa pagiging faithful ng Panginoon (I know whom I have believed that He is able to keep that which I’ve committed unto Him against that day) Maraming nagbago pero ang plano Niya sa buhay ko ay hindi nagbago. ‘For I know the plans I have for you…’ Jeremiah 29:11
Hindi ko akalaing matutupad pa ang pangarap na matagal ko nang kinalimutan at paulit-ulit nang sinukuan. Unconsciously, seed na pala ang tinanim ng Lord sa puso ko noong grade 2 ako, at saktong-sakto talaga sa musmos kong pangitain.
Sa iba’t ibang anggulo ng buhay, marami na tayong pangarap na maaaring kinalimutan na o mga purpose sa buhay na sinukuan. But as long as we allow GOD to work on our life, mamumunga ang mga pangarap na ito. Sabi ni Paulo Coelho sa The Alchemist, ‘If you really desire something, the whole universe will conspire to help you achieve it… because everything is made by One hand.’ Pero ito ang mas totoo, ‘GOD’s hand will always direct you in your purpose in life no matter how many U-turns you take, because He loves you.’
Huwag matakot tanawin ang hinaharap. Huwag pigilan ang mga paslit na mangarap, dahil sa mga musmos na puso itinatanim ng Diyos ang binhing bubuo sa ating pagkatao habang tinatahak natin ang kawalan patungo sa paraisong Kaniyang kinaluluklukan.
Darating ang panahong masa-shuffle o mase-shake na parang roller coaster ang ating teenage or adult life dahil sa mga problema at mawawala tayo sa focus, subalit kapag tayo ay nagbalik tanaw, maaalala natin kung paano naging mabuti ang Diyos dahil diniligan Niya ang mga binhi ng pangarap na nakatanim sa ating puso.
Nang dumating sa akin ang balita tungkol sa trabaho sa isang publishing house, pakiramdam ko binuksan din ng Panginoon ang gate of possibilities. Naalis sa bokabolaryo ko ang salitang ‘imposible’, napalitan ito ng salitang ‘pag-asa—pag-asang walang kinalimutang detalye ang Panginoon sa pagsulat niya sa kwento ng aking buhay.
#Magsulat, magmulat, magpalaya at magbunga.

 

Froebel Mae Roguis
11 Apr 2013, 1:48am
Caloocan, Phi

Author: froeroguis

Pretty Teacher, All-around Writer, Freelance Photographer :D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s