From Pen to Fingertips

Palayain ang Panitik, Hayaang Pumitik, kasabay ng indayog sa hangin :) (Reviews and other forms of Literature)

“Ang Pag-ibig alinsunod sa Mc Coffee Float”

Leave a comment

“Ang Pag-ibig alinsunod sa Mc Coffee Float”

Takot akong tikman ang bago sa menu
Mc Coffee Float daw ang tawag dito
sapagkat natitiyak kong mapait din ito
tulad ng Mc Café, na dati nang timpla ng McDo

Tulad ng pagkatakot kong pabalikin ka sa buhay ko
sapagkat natitiyak kong mapait pa rin ang pag-ibig mo
bagamat sabi mo, ang offer mo ay bago

Subalit may pera pa akong natitira
may pagtingin pang hindi napalaya
afford ko pang bumili ng Mc Coffee Float
afford ko pang tanggapin ang tulad mo

Pinagpapawisan sa lamig
parang pawis mo, kapag magkatabi tayo
namumundok ang ice cream
parang pagsuyo mo, namumundok ang lambing

naglalagkit ang matamis na tsokolate
parang labi mo, nanlalagkit sa tamis
tuwing kumukurba nang kaunti

Naakit nanaman ako sa larawan ng Mc Coffee Float
naakit nanaman ng mga pangako mo
kaya binayad ko ang tiwalang natitira pa sa puso ko

Una kong tinikman ang ice cream
muling dinama ang init mong
ilang buwan ding nanlamig

dinampi sa aking labi ang tsokolate
inulit ang mga sandaling naunsyami
pinaghalo ang ice cream at kape
mga pangarap na sinubukang dugtungang muli

Hindi pala pwedeng paghaluin ang tamis at pait
sapagkat mas mangingibabaw ang pait
ng mga bagay na hindi na dapat inulit

Nakakakalahati pa lamang ako
dama ko na ang epekto

Gumuguhit sa ugat ang pait
daloy ng dugo’y bumubilis at lumalagkit
bumabara ang daluyan ng straw
taas-baba, bumabalik, umuulit
humihigpit ang kapit

pait, tamis, init, lamig, pait muli
sandali, h’wag kang umalis
akala ko ba’y ika’y mananatili?

Hindi ko ito kaya ubusin mag-isa
ang float na ito’y pinagsaluhan nating dalawa
pait, tamis, pait nalang
nang iwan mong naka-hang

Tumayo ako at lumabas sa McDo
nakalimutan ko palang kunin sa kahera ang sukli
tulad ng paglimot kong hingin ang sukli
ng puso kong tinangay mong muli.

“Ang Pag-ibig alinsunod sa Mc Coffee Float”
– Froebel Mae A. Roguis
III -1 AB/BSE Panitikan

Author: froeroguis

Pretty Teacher, All-around Writer, Freelance Photographer :D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s