From Pen to Fingertips

Palayain ang Panitik, Hayaang Pumitik, kasabay ng indayog sa hangin :) (Reviews and other forms of Literature)

Ang Kape ay Isang Alternatibong Alak

Leave a comment

Ang Kape ay Isang Alternatibong Alak

Ang kape ay isang alternatibong alak….

Parehong kumakagat sa dila ang pait
tumutulak ng tension mula sikmura pataas sa bibig

tibok ng puso’y dinodoble ang bilis
hahanap-hanapin ang bawat amoy
na parang unang tikim

ito’y nakakapagpahakbang sa mga bagay
na noon ay di ko kayang isigaw

pareho ring iniinom
kapag lito at problemado
patong-patong na papel ang trabaho
o kapalara’y nais iliko

higit sa lahat, parehong nakakamatay
kapag sumobra ang lagay

Pero may pinagkaiba rin
ang kape
ang alak
sa tunguhin ng umiinom

ang alak ay nilalaklak
ng mga taong ‘pagtulog’ ang balak

habang kape naman ang pinapapak
ng mga ‘gumigising’ sa paghahanap ng pakpak

habang nakikipaglaban
sa lamig
sa lalim
ng loob ng nakangangang berkakan

Author: froeroguis

Pretty Teacher, All-around Writer, Freelance Photographer :D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s