From Pen to Fingertips

Palayain ang Panitik, Hayaang Pumitik, kasabay ng indayog sa hangin :) (Reviews and other forms of Literature)

Tulaan (sa pila) ng Tren

Leave a comment

Ala siyete ng umaga

Sa 5th Avenue station ako pumila

 

Ilang minuto lang ang pumatak

Isang dating kamag-aral ang nakita

‘ka ko kamusta na?

“eto, sa plaza ang punta,

         bubuksan na ang aking botika.”

 

isang SUV ang bumusina

“Attorney, kamusta na?”

“eto, sa korte ang punta,

        kaso ay ipapanalo na.”

 

isang bisekleta ang huminto

“pare, kamusta na?”

 “eto, tournament ang punta,

        San Juanico’y tatahakin na.”

 

isang dating guro ang nasulyapan

“Ma’am kamusta na?”

“eto, sa Division ang punta,

        laban ng mga bata sa Matematika.”

 

isang taxi ang tumigil bahagya

“ninong, kamusta na?”

“eto, sa airport ang punta,

         flight ngayong umaga.”

 

isang jeep ang pumarada

“Mang Kanor, kamusta na?”

“eto garahe na,

       sa boundery kumita na.”

 

 

 

isang ambulansya ang pumreno bahagya

“Anna, kamusta na?”

“eto, ospital ang punta,

        panganay ay isislang na.”

 

 

Gusto ko sanang sumabay sa taxi

makisakay sa SUV

umangkas sa bisekleta

o sumabit sa ambulansya

 

Mabuti pa sila

Mga pangarap ay umusad na

 

Ako kaya kamusta?

eto alas otso na,

sa 5th avenue station pa rin nakapila.

 

Author: froeroguis

Pretty Teacher, All-around Writer, Freelance Photographer :D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s