From Pen to Fingertips

Palayain ang Panitik, Hayaang Pumitik, kasabay ng indayog sa hangin :) (Reviews and other forms of Literature)

The Namesake, my beloved book <3

Leave a comment

<img src="https://froeroguis.files.wordpress.com/2013/10/namesake.jpg&quot; class="size-full" alt="The Namesake, my beloved book

Ang babaeng Indian ay inaasahan ng kaniyang lipunan na gampanan ng kaniyang dharma–maging malinis (pure) at tapat sa kaniyang asawa, at marunong sa gawaing bahay—ito ay mga paghahanda sa tanging landas na itinakda sa kaniya—ang maging ina, asawa at laman ng bahay balang araw. Ngunit nagbabago ang panahon; kinailangan na rin ng lipunan ang babae sa iba’t ibang aspekto. At tulad ng pag-ikot ng mundo, laging may umaalis at nananatili—may umaalis sa lupang sinilangan ngunit nananatili sa sariling pagkakakilanlan, at may umaalis sa sariling pagkakakilanlan upang isiksik ang sarili sa dayuhang lupang sinilangan.
Sina Ashima Ganguli at Moushumi Mazoomdar ay mga halimbawa ng dalawang mukha ng modernong babaeng Indian na ipinakilala ng nobelang The Namesake ni Jhumpa Lahiri. Bagamat pareho ang dharma nila bilang babaeng Indian, nagkaiba sila sa paraan ng pagtugon dito bilang mga migrante sa bansang Amerika, kasabay ng pagkikipaglaban nila sa pagsubok ng sariling identidad.
May ilang puntos na nakaangkla sa konsepto ng Hinduismo upang mapagkumpara sina Ashima at Moushumi:

‘Life is to experience’
Tuwirang naranasan ni Ashima ang mga kaugalian sa Bengali (hal., fixed marriage at sapatos lang ni Ashoke ang unang koneksyon niya sa lalaki). Dahil naranasan niya ang mga ito, naunawaan niya ang esensya ng pagiging Indian kaya kahit na lumipat siya sa Amerika, hindi siya bumitaw na panatilihin ang mga kaugaliang Bengali (tulad ng pagluluto ng mga pagkaing Bengali, annaprasan, Punjabi, at Thanksgiving).
Samantala, si Moushumi ay pinanganak sa Amerika at hindi tuwirang naranasan ang esensya ng pagiging babaeng Indian (kumbaga second hand experience nalang mula sa kaniyang mga magulang ang naranasan niyang kaugalian ng mga Bengali dahil sa Amerika na siya lumaki) kaya ang kaniyang pagpapahalaga bilang babaeng Indian ay hindi kasinglalim ng pagpapahalaga ni Ashima. Dahil dito, madali niyang naisisiksik ang sarili sa pagkakakilanlan ng New Yorker/French dahil wala naman siyang tunay na karanasan bilang babaeng Indian.
‘Dharma’ at epekto nito
Sinikap gampanan ni Ashima ang dharma bilang ina at asawa. Nanatili siyang malinis
(pure) at tapat sa kaniyang asawa (Ashoke). Kahit malayo ang asawa at nang mamatay ito, hindi siya nagkaroon ng ibang lalaki. Halos kay Ashoke (at pamilya) na nga lang umikot ang buhay niya dahil ito ang dharma ng isang babaeng Indian—ang maging bahagi ng kaniyang asawa habambuhay. Dahil tagumpay niyang nagampanan ang dharma bilang asawa, nagdulot ito sa kaniya ng mabuting karma—hindi nasira ang kaniyang pamilya hanggang sa huli, kahit na ang malaking porsyento ng pamilya sa Amerika ay nauuwi sa pagkawasak.
Samantala, dahil lumaki sa Amerika, ay hindi nalimitahan ng mga kaugaliang Indian ang buhay ni Moushumi bilang babae—hindi lang sa asawang lalaki umikot ang buhay niya bagkus ay naging manunulat at guro rin siya o career woman. Wala namang masama sa pagtugon niya sa pangangailangan sa kaniya ng lipunan bilang manunulat at guro subalit ang mali lang niya ay bukod sa liberated na ang kaniyang pamumuhay (lifestyle), pananamit at pagkain, hindi rin napanatili ni Moushumi ang kalinisan at katapatan. Bago pa man siya maikasal kay Gogol, nawalan na siya ng virginity at nang maging mag-asawa na sila ay naging kabit niya si Dimitri. Ang hindi paggampan ni Moushumi sa kaniyang dharma bilang babae ay nagdulot sa kanya ng masamang karma—nauwi sa diborsyo ang kasal nila ni Gogol.

Pagbabalik sa ‘nature’
Ang pagbabalik ni Ashima sa India sa huling bahagi ng kaniyang buhay ay bahagi ng kaniyang dharma sa paniniwalang ang Indian ay babalik at nakatakda sa kaniyang ‘nature’ (kauri o pinagmulan). Naging masaya siya sa kaniyang pagbabalik dahil resulta rin ito ng mabuting karma.
Subalit, tila hindi lahat ng bumabalik sa pinagmulan ay nagiging perpekto. Nagbalik rin naman si Moushumi sa ‘nature’ nang magpakasal siya sa kaniyang kauri na si Gogol. Pero hindi pa rin naging perpekto ang pagsasama nila dahil ito’y naging kaniyang masamang karma.

Ang mga kaganapan sa buhay ng mga tauhan ay sumasalamin ng buhay ni Jhumpa Lahiri, at ng 1.9 milyon pang migranteng Indian sa Amerika (Migration Policy Institute, 2011). Ang pagiging migrante ay nagdudulot talaga sa isang tao ng pagkalito sa kaniyang sariling identidad sapagkat nahahati na siya sa dalawang kultura at dalawang mukha ng mundo. Sa bandang huli, ang bumubuo sa pagkatao ng isang nilalang ay hindi ang kaniyang dugo kundi kung ano ang pinili niyang maging siya—kung sasabay ba siya sa agos ng kaniyang kapaligiran, o kung ang susundin niya ay ang itinakda ng kaniyang paniniwalang pang-ispiritwal.

Sanggunian:

1. Lahiri, J. “The Namesake” (2003)
2. Whatley, M. & Batalova J., Migration Policy Institute “Indian Immigrants in the United States” (2013)
3. Jhumpa Lahiri’s Struggle to Feel American (2008)
http://www.npr.org/templates/story/story.php?storyId=97418330
4. Reading group guide
http://www.readinggroupguides.com/guides3/namesake1.asp

Author: froeroguis

Pretty Teacher, All-around Writer, Freelance Photographer :D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s