From Pen to Fingertips

Palayain ang Panitik, Hayaang Pumitik, kasabay ng indayog sa hangin :) (Reviews and other forms of Literature)


Leave a comment

Stand Fast and Hold

Stand fast and hold

In God’s Word be bold

Do not be ashamed

You’ll have reward when Jesus came

 

Stand fast and hold

When liars doubt His Word

Do not be deceived

Trust the gospel you’ve received

Stand fast and hold

Stand up your faith on cross

Stand fast and hold

As Jesus died for the world


Leave a comment

Ang Wall Climbing (o kung paano ko inakyat ang aking buhay)

Isang sport activity ang nagturo sa akin kung paano ang magpatuloy sa buhay—-ito ang wall climbing. Ang wall climbing ay isang karansan na nagpapatibay sa kalamnan, braso, binti, puso, paniniwala at pagtitiwala.

Sa isang PE activity noong ikalawang taon sa kolehiyo nang una kong masabak ang wall climbing. Tinanaw ko pataas kung may katapusan ba ang malapad at matayog na pader—sa pinkatuktok maaaninag ang goal na mapatunog ang munting kampana. Sa harap ko’y nakadikit na makukulay at hiwa-hiwalay na bato. Huminga ako nang malalim at napagdesisyunan kong kaya ko ‘to. Ang unang pag-apak ng kanang paa at unang pagkapit ng dalawang paa sa mga unang bato ay nangangailangan ng kasiguraduhan na kaya kong hakbangan lahat ng bato. Sumunod, hinakbang ang kaliwang paa, at ikinapit sa mas mataas na bato ang kanang kamay. Sa bawat pag-usad, tumatakbo sa isip ko ang mga payo ng mga naunang sumalang: dapat mabilis ang hakbang para di ka abutan ng pagkangalay, diretso lang dapat ang direksyon ng pag-akyat dahil di mo mararating ang goal mo kung pagpipilitan mo ang sarili mo na akyatin ang pader ng iba.

Naging swabe ang mga unang hakbang. Nang nasa kalagitnaan na ako, natigilan ako. Mag-isa lang ako kaya kailangan ko palakasin ang loob ko at suportahan ang sarili ko. Yumuko ako at sinuyod ng tingin ang daan pababa– ang lalim, ang layo na pala ng naakyat ko. Marami na pala akong nalampasan, sayang naman kung di ko ipagpapatuloy. Pero gusto ko nang bumaba, di ko na kasi abot yung susunod na bato dahil maiksi ang braso ko. Parang imposible na. Gusto ko sanang sumandal pero naalala kong pader nga pala iyon. Naisipan kong tumambay na lang muna sa gitna at magpahinga. Maya-maya, narinig ko ang hiyaw ng mga kaklase ko na, go Froe kaya mo ‘yan konti nalang. Konti nalang ba? Tumingala ako at kasabay ng pag-usal ng panalangin, sinuyod ng tingin ang daan pataas at nakita kong malapit na ako sa munting kampana. Siguro ganito talaga ang buhay. ‘pag mas malapit na sa goal, mas mahirap; pero kahit na mas malayo ang mga susunod na hakbang, ang mahalaga, malapit na sa finish line. Nagsagawa ako ng affirmation na kaya ko ‘to ten times at nagpatuloy na ang mga sumunod na hakbang. Maya-maya, narinig nang umalingawngaw ang tunog ng munting kampana.

Walang kapantay ang kasiyahan.

Simula noon, tuwing dadaan ako sa mga pader ng tunay na buhay tulad ng lesson plan, demo, riserts, exam, occasional paper at iba pa, bumabalik sa akin ang gunita ng wall climbing. Ginagawa ko pa rin ang affirmation na kaya ko ‘to ten times sa tuwing mukhang imposible na ang mga susunod na hakbang. Siguro ganito talaga ang buhay, ‘pag mas malapit sa goal, mas mahirap pero ang mas totoo ay malapit na sa finish line. Simula nang malapasan ko ang wall climbing, pakiramdam ko, inaakyat ko na nag aking buhay nang walang takot sa mga pagsubok na possible naming mapagtagumpayan.


Leave a comment

Mabuhay ka, Ma’am!

Nabasa ko ang essay na ito sa isang fb page, nirepost ko dahil sumasang-ayon ako sa pagtanaw ng estudyanteng ito sa isa sa mahuhusay na propesor sa PNU. Kung sino man po ang orihinal na nagsulat nito, I acknowledge you. hehe 🙂

 

One would often see Professor Nanette Conception-Narito (not Naruto) walking by the hallways, calling in one of red angle’s phone booth every afternoon or dropping by the College of Education’s offices. She would always leave the portrait, hoping not to be still like the campus walls. She’s almost everywhere.

Her students would sometimes be annoyed of her ‘narito way’ composed of energizing rituals- vigorous clapping, stretching, arms forward, shouting yells. But after a full semester of unfailing energizers, everyone will just take the routine as a part of their day.

She owes her life of routine and motion to her parents. As a daughter of a Brigadier General and a Principal, doubt nothing why she possesses such qualities. Her childhood days were a balance of enjoyment and disciple rather than stifling. When asked about her thoughts on whose path to take (mother or father), she readily replies, “Mother!” Prof. Narito stressed that she doesn’t want to cut the lineage of teachers in the family tree. Aspirations to the teaching career came at a less mature stage. She would be inspired when she witnessed her mother teaching to a point of childish mimicry.

Being a daughter of a general and a principal is her edge. Their modes of discipline would catapult her to flying colors. She graduated Valedictorian at E. Rodriguez Elementary school with Presidential merits. While in High school, she finished the academic race as an honor student at the University of the Philippines Preparatory High School. Until she reached her doctoral studies, Prof. Narito consistently bagged a record of being a scholar and an academic achiever. But she didn’t miss the high school giggles, “I was once UP Miss Alma Mater.”

Division of City Schools and Jose Abad Santos High School opened its doors; there she started to be a teacher and a coordinator as well. “It was a feeling of accomplishment.” She was overwhelmed upon reaching her dream.

In the 1980’s she got married to Mr. Aristeo C. Narito, a real estate broker. A hard facet of her life came in when she gave birth to her first born. She was torn in joggling her role as a teacher, mother and wife. Initially, balancing took a laborious effort but she got used to it. The labor was brought to a higher level when she had twins while on her doctoral studies. “Imagine, tending three cribs.” With a very supportive family she was able to hurdle these maternal challenges.

After finishing doctoral, her mother passed away. There was difficulty in accepting the loss of her great inspiration. As a way of moving on, she focused on her rearing children. She would take doubled efforts to produce time for her responsibilities. Despite the time constraints, Prof. Narito faced the normal motherly duties such as mentoring her children. That’s why her family appreciates her as teacher and mother, at the same time. With this, she regards her profession as a ‘blessing.’

Who says it is impossible to serve two masters at the same time? Prof. Narito serves a living proof that you can serve two masters with proper management of constrained time.

Dr. Narito’s tale doesn’t speak epics, not even begging “narito ako” for recognition. It plainly stands out as an imprint of the many challenges in the education landscape. Family, especially children, takes a apposite consideration. When asked to choose what to prioritize, she answers “both.” She was able to show in her utterance that deep in her lies a willing soul of a teacher and a mother – unceasing and undying. She would maintain the harmony of both duties without risking the other. As one of her students said, “Regardless of filling the semester with boom-claps or yahoos, it would always be happy to learn with Maam Narito.”

Dr. Narito is here, living and breathing, to show us that we can find ways to fulfill our duties. She is here to claim not accolade but the virtue of acceptance to every man’s struggle. In every struggle that we have, creativity must triumph. Whenever we are on drought, miserable or helpless, please remember this teacher saying, “Narito ako.” “

UG
2013
Faculty of Education Science

 


Leave a comment

EDSA People Power: Ang Patuloy na Rebolusyon ng Makabagong Henerasyon (Isang Selfie Diary na nagpapanggap na Political Feature Article)

*MEMA-ipasa lang*

         Hindi ako ipinanganak noong 1986. Hindi ako isa sa mga nakpagkapit-bisig upang pigilan ang karahasan na posibleng gawin ng mga militar na kapwa Pilipino rin. Hindi ako isa sa mga boses ng masa na sumigaw para patalsikin ang pwet ni Marcos sa 20 taong pagkakadikit nito sa upuang buong buhay niyang inangkin.

Pero isa ako sa produkto ng kalayaang ipinaglaban at nabawi.

Isa ako sa produkto ng mga kalapating sabay-sabay na pinalipad kasabay ng paglaya ng bayan. Isa ako sa mga nakikinabang ngayon ng napagtagumpayang ‘kalayaan na makapagpahayag’. Isa ako sa mga may layang nakalilipad sa kalsada, nakapaglalahad ng katotohanan at nakapag-aambag ng suhestiyon sa bayan nang walang inaalalang baka ma-desap(arecidos).

Dahil ito sa EDSA People Power 1986 na napagtagumpayan ng ating mga magulang. (Maka-Cory kunwari ang peg. Maka-dilawan baga.)

Sa ika-28 anibersaryo ng Edsa People Power, isa ako sa mga nakatanggap ng (pribilehiyo) na makadalo sa workshop na ipinagkaloob ng grupong nakipag-ugnayan sa PNU at iba pang pamantasan. Marami akong natutunan sa seminar, halimbawa nalang ang mga sumusunod:

Makisalamuha.

Dahil iba’t-ibang pamantasan nga iyon, napilitan akong makisalamuha. Sa una’y ayaw ko pang makisalamuha at naiirita ako sa ingay ng mga taga-UMak (na Theater Arts naman pala ang course kaya napaka-expressive), pero napagtanto ko na hindi ako makaka-survive dito kung pananatilihin ko ang aking pagka-Karen Horney na ’moving away from people’. Napagtanto ko, kailangan ko makisawsaw, makipamuhay, makilublob (na parang pakikipag-ED lang sa masa) sa delegates ng iba’t ibang unibersidad upang mapaghusayan ang aking social skills, social life, social climber at iba pang ka-socialan sa buhay. Natutuwa naman ako dahil may mga bago akong nakilala mula sa ibang unibersidad (ngunit syempre sa paglipas ng ilang araw at 10 Lesson Plan ay nakalimutan ko na ang pangalan nila dahil hindi ko na kailangan); Marami rin akong natutunan mula sa iba’t ibang perspektiba ng mga indibidwal na kabilang sa iba’t ibang antas ng hati-hati na at hinati-hati pang trianggulo ng lipunan at kamalayan. Ang mga natutunan ko sa kanila bukod sa pakikipagkapwa tao, ay ilalahad ko maya-maya lamang sa patuloy pang pag-usad ng iyong pagbabasa.

Ang ‘computer-age generation’ at ang kanilang ‘political perspective’

            Tunay ngang naiiba ang kaisipan, pananaw at kultura ng mga tao batay sa kung anong henerasyon siya nabibilang. Ang EDSA People Power na nangangahulugang ‘buhay’ noong 1986, ay nangangahulugan na lamang na ‘not-special-anymore’ para sa mga bagets “Linta ng Social Media of the Year”. Kating-kati sila at dikit na dikit sa #social, sa #media, mga salitang kapwa nagpapatuloy ang kaluluwa dahil nakamit ang demokrasya.

Hindi naman natin sila masisisi. Kulang kasi ang impormasyong nakakarating sa kanila sa pamamagitan ng edukasyon. Hindi na rin nila masyadong nararamdaman ang ‘political people power’—paano nga ba nila mararamdaman ‘yon e sila mismo’y pagod nang makialam sa mga isyung panlipunan tulad ng PDAF Scam o kahit hindi nadoon, mas lapitan pa natin—mga isyung pang-pamantasan nalang tulad ng pagtaas ng tuition, patuloy na budget cut at kung ano-ano pang kaburgisan at kagahumang ipinapasok ng naghari-hariang uri sa unibersidad ng mga iskolar ng bayan.

Nakakatawang isipin ang malaking kabalintunaan ng buhay—sa internet (o social media ulit para sa mas paulit-ulit pang redundancy) mismo lumabas ang mga hinaing na bumabatikos sa makasaysayang demokrasyang hatid ng Edsa, sa parehong embudo rin umusbong ang pagkakaisang nagdulot ng Million March laban sa Pork Barrel. Yaman din lamang na nabanggit ko na ang pakikipaglaban ng netizens at buong lipunang Filipino sa Pork Barrel scam, ay ipagpapatuloy ko na ito at hindi na sisingitan pa ng marami kong selfie metamorphosis.

 

 Ang Patuloy na Rebolusyon ng Bagong Henerasyon: EDSA People Power sa porma ng Million March kontra Pork Barrel Scam

            Sabi ni Jim Paredes (2014), ang rebolusyon ay hindi pang isang araw lamang o natatapos hanggang ikalawang taon. Ito ay nagpapatuloy. Tulad ng kalayaang tinrabaho ng mga Judio mula sa kamay ng mga Ehipto—40 taon silang naalipin, nahirapan at paulit-ulit na nakipaglaban hanggang sa ika-40 taon ay nakamit na nila ang habambuhay na kalayaan.

Hindi ko sinasabing maghintay tayo (Pilipinas) ng ika-40 taon at automatic tayo ay lalaya. Ang sinasabi ko, huwag tayo mawalan ng pag-asa. Nasa ika-28 taon pa lamang tayo ay marami nang Pilipino ang sumusuko—marami nang pagod makialam sa tunay na kinahahantungan ng tax, sawa na makisiksik sa hustisyang dapat makamit ng bayan, at iba pang aspekto ng karapatan na dapat ay atin, na dapat ay sa mga Pilipino.

Mabuti na lamang at may halos isang milyon ang patuloy pa ring naniniwala na ang People Power ay nagpapatuloy sa iba’t ibang porma at pangalan—dahil dito, (nabasura) na ang PDAF. :p

 

Ito na nga ang makabagong porma ng People Power—hindi ito maisasakatuparan kung wala tayong kasaysayang sinaligan.

Ang isyung panlipunan ay parang breakfast-lunch-dinner supply noong nakaraang Edsa Workshop

Hindi nauubos.

Hindi mauubusan ng problema ang lipunan. Ayon nga sa Hinduism, ang buhay daw ay cycle. Magre-reincarnate lang ang mga hot issues na ito, iba’t ibang porma iba’t ibang katawagan iba’t ibang mukha iba’t ibang pangalan pero lahat iyon ay problema pa rin. Gayundin naman ang mga rebolusyon. Iba’t ibang porma iba’t ibang hugis iba’t ibang musika iba’t ibang kulay pero lahat iyon ay uri pa rin ng rebolusyon—ng patuloy na pakikipaglaban hanggang sa makamit natin ang kaayusan ng sistemang politikal at matulad ang ating bayan sa ibon mang may layang lumipad.

Ang patuloy na rebolusyon ay katulad ng pagpitik ng mga beywang sa Brazillan Dance, pagpilantik ng mga balikat ng Hiphop movers, pag-360 degrees na ikot ng Broadway performers o pagkadedikado ng mga stage designers

Buong puso at walang kapaguran.

Huwag tayo mapagod para sa ating bayan. Kung ang hot issues ng lipunan ay inihalintulad sa siklo ng Hinduismo, sinsabi ko ngayong hindi tayo Hindu. May katapusan, may dulo may sulok may hangganan ang anumang kapaguran para sa mabuting mithiing panlahat. Maybe for less than or more than or at exactly 40th year of celebrating democracy, wed do not know. Ngunit mayroon tayong kasiguruduhan.

Dahil hindi lamang tayo maghihintay, kundi tayo ay kikilos gagawa makikipaglaban susuporta at hahakbang para sa inang bayan.

Tayo ay hahakbang para sa mas malaki at mas dakilang layunin.


2 Comments

Bangkay sa Corinto: Ang Pagsasanib-pwersa ng Dating ng Kasaysayan at Kontemporanyong Panitikan

ROGUIS, Freobel Mae A.                                                                                     Marso 3, 2014

III-1 AB/BSE Panitikan                                                                         Prof. Genaro R. Gojo Cruz

 

             Ang Bangkay sa Corinto ni Vincent Tañada ay isang obra maestrang tunay na maaangkin ng kontemporanyong panahong pampanitikan sa Pilipinas. Ang pagkapanalo ng dulang pangahas, palamura, walang kiliti, walang magandang asal, at puro mabigat na realidad  ang ipinakita—ay patunay na ang Gawad Palanca ay nakalaya na mula sa kumbensyunal na gahum na pamantayan sa panitikan; at narating na ng Panitikang Filipino ang kaakuhan nito sa kontemporanyong panahon.

 

Ang Dating

Ayon kay Lumbera, ang ikatlong kategoryang laman ng kamalayan ay mula sa kasaysayan ng lipunang kinabibilangan ng isang indibidwal. Ang dulang Bangkay sa Corinto ay isang dulang isinulat sa ika-21 siglo ngunit nakaangkla ang banghay sa kasaysayan. Sa unang suri pa lang ay maiisip na agad ng mga Filipinong manonood na ang mga tauhan ay representasyon ng mga tao noong panahon ng Kastila sapagkat nakintal na sa iskema nila na ang katauhan ng kura paroko ay tulad ni Don Corinto na lahat ng babae sa paligid niya mula sa sariling anak hanggang sa mga alipin ay pinagsasamantalahan niya; na ang ilang Pilipino noon ay tulad ni Lemuel Alonzo na makasarili, sakim at taksil din naman sa kapwa makamit lang ang materyal na yaman; na ang ilang Filipina noon ay tulad ni Meding na bulag sa katotohanan at umaasa sa pag-ibig ng mestizo kastila; at higit sa lahat, marami sa mga Pilipino noon ay tulad ni Orang, mababa ang antas sa lipunan ngunit nakaaalam ng katotohanan subalit pinatay upang ang mga impormasyong alam nila ay maging bangkay. Bukod sa paulit-ulit ikinikintal ng akademya sa mga mag-aaral na ganito ang nangyari sa Pilipinas noong panahon ng kastila, ang kasaysayang ito na rin ang humubog sa kaakuhan at bahagi ng kamalayan ng isang Filipinong indibidwal.

 

Ang kontemporanyong panitikan

Ang tuligsa sa kontemporanyong lipunan ay patuloy na umaantig sa mga realidad na hindi pa nabubura kahit na sansiglo na ang layo nito sa panahon ng pakikibaka sa kolonyalismong Español (Lumbera, 1997). Ngunit bukod sa pagkakaangkla ng isang kontempoanyong panitikan sa kasaysayan, nangibabaw rin naman sa Bangkay sa Corinto ang pagkaastig nito mula sa nananariwang-balikwas na istruktura ng isang makabagong dula. Madalas, sa mga telenobela at iba pang genre ng Panitikan, laging nakakabit sa pangunahing tauhan ang pamagat nto. Ngunit sa dulang ito, hindi sa magandang bidang na si Isabelle nakakabit ang pamagat, kundi sa alipin (Oryang); sapagkat malaking bahagi ng representasyon niya ang bumubuo sa mga Filipino noon hanggang ngayon ang mababa ang antas sa lipunan ngunit nakaaalam at nakakakita ng katotohanan. Ang mga squatters sa kalakhang Maynila ngayon ay walang pinagkaiba sa mga aliping Pilipino noong panahon ng kastila—kapwa mga nakaaalam at nakakakita ng baluktot na sistema sapagkat sila ang direktang nakakaranas ng kahirapan. Kinakaingin ang kabahayan (kunwari may batang naglaro ng may sinding kandila), binibigyan ng ‘disenteng’ pabahay; ngunit natatabunan at binabangkay ng nagtatayugang gusali ang katotohanang malaking bahagi ng kasalukuyang lipunan ang may matinding pangangailangan na makausad.

 

Pagsasanib-pwersa

Tunay na bahagi na ng anatomiya ng isang Pilipinong indibidwal na sumandig sa dating ng kasaysayan sa tuwinang siya’y nagbibigay puna sa mga sining ng buhay. Kung bakit ganoo’t ganito pumuna ang isang Filipino, nakapag-aral man o hindi, bukod sa personal, ang kaniyang perspektiba o dating ng mga bagay sa kaniya ay laging may kinalaman ang pagiging baying-api ng Pilipinas at sa anu’t anong paraan ay nananalaytay sa dugo niya na siya’y minsang nasakop.

Kung bakit pangahas, palamura, walang kiliti, walang magandang asal ang ipinakita ng kontemporanyong dulang Bangkay sa Corinto ay dahil ito sa mabigat na realidad na pinadanas ng mga kastila sa ating bayan. Natutunan ng mga manunulat at alagad ng sining ng kotemporanyong panahon na bumalikwas sa mga ideolohiyang gahum sapagkat dahil pa rin sa kasaysayang—sa kagustuhang makalaya ng mga kaisipan ng kasalukuyang henerasyon mula sa pagkakagapos ng naaliping kamalayan.

Magdekolonisa at magpalaya—ang bagong tungkulin ng dating ng kasaysayan para sa kontemporanyong panitikan.